Advertisers
PATAY ang isang barangay tanod nang tambangan habang nagmamaneho ng kanyang tricycle sa Negros Occidental.
Kinilala ang biktima na si Dennis Tribaco, 49 anyos, ng Barangay Zone 10, Talisay City, Negros Occidental.
Sa report ng Talisay City Police Station, 11:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Hacienda Kapisyan, Brgy. Efigenio Lizares, Talisay City.
Kwento ng asawa ng biktima na si Antonia Tribaco, nakasakay sa loob ng tricycle at patungo sana sila ng airport para sunduin ang kanilang anak. Napansin ng kanyang mister ang sumusunod sa kanila na motorsiklo sakay ang dalawang salarin.
Dinikitan ng mga salarin ang tricycle ng biktima at binaril ng isa sa mga ito si Tribaco na tinamaan sa noo na agad nitong ikinamatay.
Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga salarin.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen.