Advertisers

Advertisers

Paolo at Yen dumaan sa matinding pagsubok ang relasyon; Ice nalungkot sa pamamaalam ng TVJ sa ‘Bulaga’

0 149

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

TULUYAN na ngang namaalam noong Wednesday ang magkapatid na sina Tito at Vic Sotto, at Joey de Leon na kilala sa tawag na TVJ, sa longest-running noontime show sa bansa, na Eat Bulaga, at sa producer ng programa nila na TAPE Inc.
Naging madamdamin ang pagbibigay ng mensahe nina Tito, Vic at Joey, sa mga manonood at halatang pinipigil lang nila ang maiyak habang nagpapaalam.
Si Ice Seguerra ay naging bahagi ng Eat Bulaga ng maraming taon noong child star pa siya. Kaya naman isa siya sa mga unang nag-post sa Instagram at Facebook ng kanyang saloobin sa paghihiwalay ng Eat Bulaga at ng TAPE. May nabanggit pa nga siya sa kanyang mensahe na “kawalang respeto.”
Post ni Aiza,”Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Lungkot ba o saya?
“Malungkot ako sa nangyayari. Sa kawalang respeto. Malungkot ako dahil sa hiwalayang Eat Bulaga at TAPE, mayroong mga taong mag-iiba ang lagay sa buhay. Nalulungkot akong umabot sa ganito.”
Naniniwala naman si Ice na hindi tuluyang mawawala sa ere ang Eat Bulaga at tulad ng sinabi ni Bossing Vic sa kanyang mensahe, tuloy pa rin ang paghahatid ng isang libo’t isang tuwa ng mga Dabarkads.
“Pero masaya ako dahil malaya na sila. Eat Bulaga is Eat Bulaga. Kahit saang network sila mapadpad, walang paltos silang makakalipad.
“Kaya sulong lang, Dabarkads. Simula lang ito nang mas maningning na hinaharap,” pahayag pa ni Ice.
Isa rin kami sa nalungkot na hindi na namin mapapanood ang EB. Nasa elementary pa lang kami ay pinapanood na namin ito. Kinalakihan na namin ang EB.
***
SA panayam ni Paolo Contis sa Updated With Nelson Canlas podcast, sinabi niya na malaking bagay na nanatili sa tabi niya si Yen Santos noong mga panahong walang naniniwala at marami ang humuhusga sa kanya. Na naging dahilan para mahalin niya ang dalaga.
Sabi ni Paolo, “Sobrang simpleng bagay lang. When the whole thing started, the whole crucifixion started, there was a time or there was every opportunity, she had every opportunity to leave me, but she stayed.
“Ako, sa totoo lang, ang laki-laking bagay nun para sa akin. Kasi noong mga times na yon, pinag-uusapan naman namin na mahirap, yes.
“Nagkaroon pa nga ng times nag-ano siya sa social media… hiatus.
“Pero she did everything she can to not get affected, as long as nakakapag-usap kami and okay kami.”
Dagdag pa niya, “Hindi mo ba mamahalin yon?
“During the time some of my friends, some of the people who actually believe me were leaving, someone stayed.”
Hindi kaila na dumaan sa matinding pagsubok ang relasyon nina Paolo at Yen bago pa man nila ito aminin sa publiko.
Ito’y matapos batikusin si Paolo nang makipaghiwalay sa dati niyang partner na si LJ Reyes.
Maging si Yen ay hindi nakaligtas sa bashing dahil siya ang itinuturong third party sa hiwalayang Paolo at LJ.
Pero idiniin noon ni Paolo na hindi si Yen ang dahilan ng breakup nila ni LJ.
Tinanong din ni Nelson Canlas kung worth it ba si Yen sa kabila ng tila roller coaster na pinagdaanan ni Paolo.
Mabilis na sagot ng aktor, “Yeah. Kumbaga, noong lahat palayo, siya naman papalapit.”