Advertisers

Advertisers

Kim naging tambay sa simbahan nang magkasakit ang utol; Jennylyn balik-akting na after 2 years na pag-aalaga ng baby

0 115

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HINDI maikakaila na ang kapatid ni Kim Chiu na si Lakam ang pinaghuhugutan nito ng lakas.
Kaya nang magkasakit ito ay labis ang pag aalala ni Kim sa kanyang kapatid.
Halos tulala at tuliro ang isip at minsan wala na sa sarili sa kaiisip nang maospital ang kanyang sissy.
Sa pag-amin ni Kim ay talagang dasal ang naging epektibo para sa tuluyang paggaling ng kanyang Ate Lakam.
Lagi nga raw ito dumaraan sa simbahan sa Padre Pio sa Libis, Q.C.
Doon daw ito nagdarasal nang mataimtim at nadama nga ng TV host actress na tila naging tambay na siya sa Padre Pio.
Pero malaki nga raw bagay ang kanyang ginawang pagdarasal sa paggaling ng kapatid na para lang daw nagdahilan at balik energy na ulit.
Kaya payo ni Kim sa kanyang Ate Lakam at sa lahat na kung pagod na ay magpahinga na at huwag sagarin ang katawan.
***
ANG naudlot na pagteteyping ng Love Die Repeat na kauna unahang project sana ni Xian Lim with Jennylyn Mercado ay naantala dahil sa pagbubuntis ng huli.
Sa IG post ay ibinahagi na matutuloy na ang pagsasama sa serye nina Xian at Jen.
After two years na pagiging fulltime mom sa panganay nila ni Dennis Trillo na si Dylan, balik trabaho na si Jennylyn para masimulan na ang naunsiyaming proyekto.
May nakapansin namang netizens na tila di nanganak si Jennylyn dahil napaka-sexy pa rin nito.
Sa tagal ng 2 years na tengga at di humarap sa kamera ay tiyak na miss na na ni Jen ang umakting.
Well, well, well…’Yun na!