Advertisers
SA kauna-unahang pagkakataon ay tumanggap ang Panlalawigan Pamahalaan ng Quezon ng highest ‘Audit Rating’ mula sa Commission on Audit (COA).
Ang highest audit rating na ito na tinatawag na “unqualified opinion” o “unmodified opinion ay siyang pinakamataas na ibinibigay sa ahensya ng pamahalaan matapos ang malalim na pag-aaral at imbestigasyon ng (COA). Ito ay nakuha ng Quezon Province kaugnay ng financial statement nito para sa taong 2022.
Ang pagkilala mula sa COA ay labis na ikanatuwa at winelcome ni Quezon Provincial Governor Doktora Helen Tan na nagsabing ang mataas na audit rating na nakuha ng Quezon ay testamento ng matapat na pamamahala at pangangalaga pagdating sa pondo ng bayan.
Ipinaliwanag ng COA sa liham nila sa tanggapan ni Gov. Tan noong May 2, 2023 na ang unmodified opinion na kilala rin bilang unqualified opinion ay ibinibigay kapag ang state auditor ay nakita na ang financial statement na isinumite ng isang ahensya, ay makatotohanan at alinsunod sa tinatawag na “applicable financial reporting framework”.
Samantala, ang modified o qualified opinion naman ay ibinibigay kapay nakita ng auditor na ang financial statement sa kabuuan ay “not free from material misstatement” at dahil.dito ang auditor ay dapat na isama ang “qualified, adverse and disclaimer of opinion” remark sa audit report.
Ang Annual Audit Report (AAR) para sa accounts and operations ng Quezon Provincial Government para sa pagtatapos ng taon noong Dec. 31, 2022 ay inihanda ng Audit Team na binubuo nina Mr. Christopher H. Perez, OIC-Supervising Auditor and Audit Team Leader in concurrent capacity, Ms. April Abbey, Joy C. Luces at Mr. Fernando T. Barretto, Audit Team members.
Maliban sa audit ng financial statement ng isang ahensya, nilalaman din ng AAR ang audit ng performance panlalawigang pamahalaan sa loob ng isang taon, kabilang na ang pagtalima nito sa batas pati na ang pagsunod nito sa principles of economy, efficiency and effectivenes pagdating sa implementasyon ng mga programa, proyekto at mahahalagang transaksyon kabilang na ang procurements.
Samantala, sinasaad naman sa Independent Auditor’s Report na ipinadala ng COA sa tanggapan ni Gov. Tan noong April 5, 2023 at nilagdaan ni Christopher H. Perez, OIC-Supervising Auditor at Audit Team Leader na ginawa nila ang kanilang audit nang naaayon sa International Standards of Supreme Audit Institutions (ISSAIs).
Ipinaliwanag pa sa Independent Auditor’s Report ang basehan sa pagkakaloob ng highest Audit Rating ng COA sa Quezon.
“Our responsibilities under those standards are described in the Auditor’s Responsibilities for the Audit of the Financial Statement sections of our report. We are independent of the agency in accordance with the ethical requirements that are relevant to our audit of the financial statement, and we have fulfilled our ethical responsibilities in accordance with these requirements. We believe that the audit evidence we have obtained is sufficient and appropriate to provide a basis for our opinion.”
Masaya naman si Gov. Tan sa rating na ito at umaasa na patuloy itong makakamit ng Lalawigan ng Quezon sa mga susunod pang taon.