Advertisers
LABINGWALONG (18) bahay ang nasira sa Cagayan de Oro City dahil sa lakas ng hanging dala ng isang helicopter na mababa ang lipad.
Dahil sa lakas ng hangin, natanggal ang yero ng ilang bahay habang ilang puno ang natumba.
Ayon sa 4th Infantry Division ng Philippine Army, Philippine Air Force ang may-ari ng helicopter.
Nagsasagawa raw ito ng low level flight para obserbahan ang ilang lugar sa lungsod.
Handa raw magbigay-tulong ang Army sa mga apektadong residente.