Advertisers
SINIGURO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na kaniyang lalagdaan ang bagong bersiyon ng Maharlika Investment Fund (MIF) sa sandaling makarating ito sa kaniyang opisina.
Gayunpaman sinabi ng chief executive na bago niya ito lagdaan, kaniya muna nitong rebyuhin para makita ang buong panukala.
Giit ng pangulo, mayroon lamang maling pagtingin ang publiko sa isinusulong na MIF kaya marami ang nangangamba na baka mawala o malugi ito.
Susi ayon sa pangulo sa ganitong investment fund ay ang maayos na pamamahala.
Dagdag pa ng pangulo na importante sa MIF ay independent ito sa gobyerno. Hindi aniya maaring maging miyembro ng board ang presidente.
Tinanggal din bilang mga miyembro ng board ang Central Bank Chairman at Department of Finance (DOF) para makapag-operate nang malaya at propresyunal.
Sa sandaling mapirmahan ito ng Pangulo, magigiging ganap na batas ang panukalang MIF.
Tiniyak naman ng Pangulo sa publiko na hindi mapupunta sa wala ang mga perang ilalagak sa Maharlika Investment Fund. (Vanz Fernandez)