Advertisers
TIMBOG ang dalawang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang babae, nang mahulihan ng mahigit P70,000 halaga ng shabu sa buy bust operation sa Barangay Tangos South, Navotas City, Lunes ng gabi.
Kinilala ni Navotas Police Chief, Colonel Allan Umipig, ang mga nadakip na sina Jayvee Dionisio alyas “Moymoy”, 25; at Jasmine Nacionales, 21, kapwa ng M. Fernando St., Brgy. Tangos South.
Nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Navotas PNP ng impormasyon hinggil sa pagtutulak ng droga ng mga suspek, dahilan para isagawa ang buy bust operation sa F Bagong Kalsada St., Brgy. Tangos South 11:10 ng gabi.
Nakuha sa mga suspek ang 6 plastic sachets ng shabu na 10.8 grams na nagkakahalaga ng P73,440.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Beth Samson)