Advertisers
NAKATUON ang atensiyon ni Philippine athletics icon Ernest John Obiena na mag- qualify ng mas maaga para sa Paris Olympics 2024 sa France.
Tatlong qualifying events sa pole vault ang nakahanay sa susunod na buwan ng Hulyo kaya optimistiko ang Batang Tondo na si EJ na malulukso nito ang 5.82 na siyang magiging tiket niya sa Olimpiyada sa susunod na taon
Ang naturang marker ay nalagpasan na niya ng maraming beses sa internasyunal na kumpetisyon at kamakailan lang ay naabot na niya ang 6 m marker sa Belgium.
Kaya tiwala ang pride ng UST na mapipitas na niya ang inisyal na qualifying ticket upang maging unang Pilipino na naka- abante sa Olimpiyada para makapag- ansayo ng mas maaga at tuparin ang misyong mahablot na ang gintong medalya sa Paris para sa Pilipinas.
“ The goal is to qualify ( for the Olympics) outright as early as possible,”wika ni Obiena na determinadong masungkit na ang Olympic gold sa France na bigong nakamit ni EJ noong nakaraang Tokyo Olympics.
Mauunang qualifier event ang Bau Haus Galan sa Hulyo 2 sa Stockholm, Sweden kasunod ang Meeting International de Sotteville sa Rouen, France at ang ikatlo ay ang qualifying sa Bangkok, Thailand sa Hulyo 12-16 kasama niya si coach Vitaly Petrov para sa Asian Athletics
“ I’m getting ready for these tournaments and the good thing now is I am physically healthy”,ayon pa sa batang Obiena na anak nina dating national player Emerson Obiena at Jeanette Uy Obiena.
Tatarget din si EJ ng panibagong world championship sa kanyang pagsabak sa 2023 World Athletics Championship mula Agosto 19-27 sa Budapest, Hungary bago niya pupuntiryahin ang ginto sa 19th Asian Games Hangzhou, China sa Setyembre 23 hanggang Oktubre 8 ng taon kasalukuyan
. “ Hopefully I’ve already qualified ( to the Olympics) by then.My drive for winning remains important and I have ro keep it that way,” ani pa Obiena. ABANGAN NA!
Lowcut-Special shoutout kina Kuya Pres.Chito Deguit ng Paranaque,
Cocolife boss SVP Otep Ronquillo sir,Bos Wopsy Zamora mi amigo at Kuya Jorge Pascua sa kanilang suporta sa ating ikakasang noble advocacy event ‘ Go.. Young Artists and Athletes Free Arts Clinic for boys and kids nationwide.It’s a big help indeed for the success of this civic endeavour.
Ka-sport at Ka-sining ko…Mabuhay Kayo!