Advertisers

Advertisers

Magpinsan pinagbabaril ng tiyuhin

0 138

Advertisers

NASAWI ang magpinsan nang pagbabarilin ng tiyuhin sa Barangay Poblacion Ilaya, Lambunao, Iloilo.

Kinilala ang mga biktima na sina Ramil Opiane, 51 anyos; at Joven Besite, 41; habang ang salarin ay ang kanilang tiyuhin na si Gil Casiple 63, pawang residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Police Major Jogen Suegay, hepe ng Lambunao Municipal Police Station, nakikipag-inuman ang salarin sa tindahan nang pinuntahan ng mga biktima na lasing rin.

Dito ay nagtalo ang mga biktima at salarin dahil sa away sa lupa.

Sinakal ni Opiane ang kanyang tiyuhin, dahilan upang bumunot ito ng baril, kalibre 45, at pinutukan ang pamangkin na nasapul sa dibdib.

Inawat ni Besite ang mga ito, nguni’t binaril rin siya ng tiyuhin sa dibdib.

Kaagad naaresto ang salarin at nakuha sa kanyang posisyon ang armas na ginamit sa krimen.

Nakakulong ang salarin sa Lambunao Municipal Police Station at nahaharap sa kasong 2 counts ng homicide.