Advertisers

Advertisers

Inuman niratrat sa Rizal: 1 patay, 1 sugatan

0 170

Advertisers

NASAWI ang isang lalaki at isa ang sugatan nang pagbabarilin ng tatlong lalaki habang nag-iinuman sa isang binyagan sa Rodriguez, Rizal nitong Linggo.

Binawian ng buhay si Francis Cordova dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan; habang sugatan si Nomer Marin na ginagamot sa Ynares Memorial Hospital dahil sa tama ng bala sa tiyan.

Naaresto ng mga pulis sa follow-up operation ang salarin na si Sarex Base, habang pinaghahanap pa ng mga pulis ang dalawa niyang kasamahan sa paggawa ng krimen.



Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ng Rodriguez Municipal Police Station, nabatid 7:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa Brgy. Suburban.

Bago ang krimen, dumalo sa isang binyagan ang mga biktima at nagkayayaang mag-inuman.



Sa kasagsagan ng kanilang inuman sumulpot ang mga salarin at pinagbabaril sina Cordova at mabilis na nagsitakas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">