Advertisers
NAUNGUSAN ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go si Mayor Vergel Meneses sa kanilang basketball perimeter shootout (exhibition) sa harap ng dagsang Bulakenyos na naghintay sa kanilang pagdating sa loob ng multi-purpose gym at evacuation center sa bayan ng Bulakan, lalawigan ng Bulacan nitong Lunes ng tanghali( Hulyo 3,2023).
Gayunpaman, kung sa larong basketball ang pag-uusapan ay hanga si SBG kay MVM noon pa mang nasa PBA ang tinaguriang at siyempre ngayong public servant na rin siya tulad niya.
Ang popular legislator at pi naka- abalang senador na si Sen. Go ay nagtungong Bulakan, Bulacan kumakalawa upang pasinayaan ang bagong gawang Bulakan Super Health Center sa Bgy. Balubad na naipagawa sa pamamagitan ng programa ng Mambabatas bilang Senate Committee head on Health sa pakikipagtulungan ng pamamahalang lokal ni Mayor Vergel Meneses, Vice (Atty)Aika Sanchez , buong Konseho at Department of Health sa rehiyon.
Ito aniya ay di ordinaryong Health Center kundi isang SUPER para sa kalusugan at kapakanan ng Bulakenyos.
Pagkatapos ng inagurasyon ng SHC ay dumiretso na sina Senator , Mayor at Council sa evacuation center kung saan ay naghintay ang dumagsang Bong Go followers na di magkamayaw ang tuwa sa kaniyang pagdating at sinalubong siya ng masigabong palakpakan kasama sina Mayor Vergel at kay Vice Aika.
Tiniyak niyang hindi doon natatapos ang kanyang tulong sa Bulakan na patuloy niyang babalikan ,rest assured sa mga taga Bulakan na handa silang paglingkuran hanggang sa abot ng makakaya katuwang ng DSWD.
Umuwing luhaan dahil sa labis na kagalakan ang minamahal niyang kababayan sa Bulakan lalo’t nakatanggap pa sila ng ayudang salapi ,bonus na papremyong bisikleta,gadgetsat mga kagamitang pang-sports.
Labis at taos-pusong namang pinasalamatan ni Mayor Vergel Meneses ang pagbisita ni SBG sa kanyang bayan kung saan nakadama ang Bulakenyos ng tunay na pagmamahal, kalinga, malasakit at pagtupad ng pangako na bibihirang mangyayari sa iba pang naluklok na sa poder ng kapangyarihan sa national level.
Matapos ang walang kapagurang asignatura ni SBG sa araw na iyon mula Tanauan City, tuloy sa Bulacan ay balik agad siya sa Senado upang dinggin ang mga aspetong may kinalaman sa ating tanyag na Senador. WORKAHOLIC talaga.. GO.. BONG GO!
Lowcut: Special shoutout kina SBG MRO comrades Leo, Al Arenas at Ms. Kyla David ng Office of Senator Bong Go na silang nagsa-ayos ng exclusive interview ng UPPERCUT. Salamat sa inyong lahat!