Advertisers
ABOT kamay na ni Kai Sotto ang pangarap na makapaglaro sa NBA nang makasama sa preparasyon ng orlando Magic para sa parating na NBA Summer League.
Kasama siya sa team’s practice sa AdventHealth Training Center sa Orlando,Florida, kung saan kalahok rin ang Magic’s top rookies Anthony Black at Jett Howard.
Si Black ay sixth overall pick ng team sa 2023 NBA Draft, habang si Howard ang No.11.
Magic Head coach Jamahl Mosley at Summer League head coach Dylan Murphy ang gagabay sa Orlando’s summer squad naroon si Sotto, 7-foot-3 ang kanlang pinakamatangkad na player.
Ito ang unang pagsubok ni Sotto sa Summer League aksyon kapag nakaharap ng Magic ang 2023 No.5 overall pick Ausar Thompson at ang Detroit Pistons sa Hulyo 9 (Manila time).