Advertisers

Advertisers

QCJMD, pinarangalan “Top 1 Best City Jail”…nananatiling drug-free jail

0 494

Advertisers

Nakagugulat ba? Nakapagtataka rin ba? Ang alin? Tinutukoy natin ay ang parangal na iginawad sa Quezon City Jail Male Dormitory (QCJMD).

Walang nakagugulat sa parangal at lalong hindi nakapagtataka at sa halip, karapatdapat ang parangal. At bakit naman? Hindi naman siguro lingid sa atin kaalaman ang ginawang paglilinis ni JSupt. Michelle Ng Bonto sa piitan simula nang maupo siya bilang Warden.

Unang linggo pa lamang sa posisyon si Bonto ay kaliwa’t kanan na ang isinagawa niyang paglilinis sa piitan…nagpatuloy ang paglilinis hanggang sa matuklasan niya ang taguan ng droga ng sindikato sa loob ng kulungan – nakabaon ito sa sementadong sahig.



Sa paglilinis ni Bonto…at dahil sa wala nang nakalulusot na droga, kumilos ng pailalim ang sindikato kasabwat ang ilan tiwali sa BJMP. Pilit nilang pinababagsak si Bonto para masibak sa posisyon pero, bigo ang sindikato sa mga pinaggagawa nilang gimik.

Hayun, dahil sa pulos para sa kabutihan ng inmates ang kampanya ni Bonto at para pamanatili ang magandang imahe ng QCJMD maging ang BJMP, napanatili ni Bonto sampu ng kanyang personnel ang pagiging drug-free jail ng QCJMD.



Yes, hanggang ngayon ay nananatiling drug-free jail ang naturang pasilidad.

Ngayon, nakapagtataka pa ba kung bakit pinarangalan Top 1 Best City Jail ang QCJMD? Hindi di ba at sa halip, karapatdapat lang ang parangal.



Ano pa man, pinarangalan ang QCJMD bilang Top 1 – Best City Jail nitong Hunyo 29, 2023 sa isinagawang kaganapan – 8th Regional Management Meeting and Awarding Ceremony.

Sa okasyon, mismong si BJMP-NCR Regional Director, JCSupt. Efren A Nemeno, DPA TLPE, ang nag-abot ng parangal “Certificate of Recognition” kay Supt. Bonto.

Ang hindi matatawaran tagumpay ng QCJMD ay dahil sa dedikasyon, sinceridad at mga positibong plano ni Bonto para sa ikaganda ng piitan lalo na sa mga ipinagkatiwala sa kanya na Persons Deprived of Liberty (PDLs).

‘Ika nga ng pamunuan ng BJMP…”The remarkable achievement of QCJMD is attributed to the “Winning Hearts and Minds Approach” advocated by the dynamic leadership of Jail Warden JSUPT MICHELLE NG BONTO, CSO who espouses positive engagement of jail personnel in the implementation of welfare and development programs among its resident Persons Deprived of Liberty (PDL) towards the realization of the Jail Bureau’s mission, vision and objectives made possible through the strong support of the exemplary and multi-awarded City Mayor Joy Belmonte.

At tulad ng mga naunang nabanggit, ang QCJMD ay nananatiling “drug-free jail”…at ito ay muling napatunayan sa kamakailan na isinagawang pinagsanib na greyhound operation kung saan walang nakuha o narekober na ano man klase ng ilegal na droga sa piitan.

Ang pinagsanib na puwersa ng pagsalakay sa Quezon City Jail Male Dormitory ay binubuo ng 25 jail officers sa pangunguna ni Warden Bonto at 11 operatiba mula sa Quezon City Police Station 10 na pinamumunuan ni PLt Col. Robert P Amoranto. Kasama din ang walong pulis ng EOD K9 Group at ang kanilang dalawang K9 Narcotic Detection Dogs mula sa QCPD.

Tanging nakumpiska sa operasyon ay 12 improvised bladed weapon, at apat improvised icepick.

Malinaw, walang nakumpiskang ano man klaseng ilegal na droga partikular na ang shabu. Klaro! Walang drogang nakuha o narekober. Kaya, nananatiling drug-free ang QC Jail Male Dormitory.

Bukod sa mga greyhound operation sa tulong ng iba’t-ibang

Law Enforcement Agencies (LEAs), araw-araw din nagsasagawa ng operasyon ang QCJMD para matiyak na walang nakalulusot na kontrabando sa piitan bilang katugunan sa “OPLAN LINIS PIITAN” ng BJMP and in at bilang suporta sa BUHAY INGATAN, DROGA’Y AYAWAN (BIDA) Program ng DILG.

Warden Supt. Bonto, sampu ng bumubuo sa QC Jail Male Dormitory, saludo ang Sambayanan Filipino sa inyo. Karapatdapat ang parangal sa inyo. Saksi ang marami sa pagtaya (ninyo sa inyong buhay) Madame para lamang mapanatili ang magandang imahe ng QCJMD…at higit sa lahat sa hindi pagsuko sa pakikipaglaban sa mga nais na magpabagsak sa inyo.