Advertisers

Advertisers

Yamsuan itinulak maayos na sahod, benepisyo sa non-uniformed personnel

0 113

Advertisers

Itinulak ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan ang agarang pag-apruba sa panukala na magbibigay ng maayos na sahod at benepisyo sa mga civilian personnel na nagtatrabaho sa mga law enforcement agency.

Sinabi ni Yamsuan, dating Assistant Secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na inihain niya at ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte ang panukalang Magna Carta for Non-Uniformed Personnel (House Bill 7981).

Makatutulong umano ang panukala upang maging propesyonal ang mga NUP at mas maging maganda ang kanilang naibibigay na serbisyo sa publiko.



“Non-uniformed personnel work as partners in protecting the lives of the Filipino people. Their jobs are as valuable as their uniformed counterparts. Hence, this bill seeks to improve the social and economic well-being of all NUP as well as to ensure that their rights are protected,” sabi ng mga may-akda sa panukala.

Saklaw ng panukalang Magna Carta ang mga NUP sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of National Defense (DND), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Corrections (BuCor), Philippine Coast Guard (PCG), at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).



Ayon kay Yamsuan kulang ang sahod ng mga NUP kung ikukumpara sa kanilang trabaho at lalong naiwanan ang kanilang suweldo ng itaas ang base pay ng mga sundalo, pulis, at iba pang uniformed personnel noong 2018.

Bukod sa pagtataas ng sahod, ang mga NUP ay bibigyan din ng overtime pay, hazard allowance, night differential pay, longevity pay, laundry allowance, isang sakong bigas kada buwan o katumbas na halaga nito, quarters allowance para sa mga hindi nakakauwi ng madalas at taunang clothing allowance, batay sa panukala.



Ang mga NUP ay bibigyan din ng sahod habang nagpapagaling kung nasugatan habang ginagampanan ang kanilang trabaho bukod sa libreng pagpapagamot.

Ang mga ahensya ay inaatasan din na sagutin ang gastos para sa pagsasanay ng mga NUP, ayon sa panukala.