Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
SA guesting ni Gerald Anderson sa Iskovery Night Season 2 hosted by Isko Moreno, sinabi niya na si Julia Barreto na ang the right one para sa kanya at napag-uusapan na rin naman daw nila ang tungkol sa kanilang future lalo pa’t more than two years na silang magkarelasyon.
Ngunit mariin naman niyang dinenay na engaged na sila ni Julia at married na ang status nila ngayon.
Hirit ni Isko, “So, for now, for the record, you’re not married?”
“No, no, no,” tugon naman ni Gerald.
Natanong din ni Isko kung may plano ba siyang magpakasal, “Of course, of course. In the coming years, pero medyo parang… sigurista ako eh, gusto ko parang nandoon na… gusto ko relax, medyo relax tayo, hindi na kailangang laging nagpupuyat sa trabaho.”
Ang ibig sabihin sabihin ni Gerald kung lalagay na nga sila ni Julia sa tahimik ay yung talagang financially stable na siya. Magpapayaman muna siya nang husto.
Ipinagdiinan pa niya na hindi siya naniniwala sa palaging sinasabi ng karamihan na, “Basta mahal ninyo ang isa’t isa, puwede nang magpakasal.”
Sang-ayon naman si Yorme sa sinabi ng boyfriend ni Julia at nag-dialogue pa ng, “Hindi ‘yan nakakabayad ng kuryente ha!”
“Exactly! Praktikal lang,” pagsang-syon din ni Gerald kay Yorme.
Samantala, sa ilang taong pagsasama nila ni Julia bilang magdyowa ay wala silang masyadong pinagdaanang isyu at naging magaan naman ang kanilang pagsasama.
“Doon mo talaga malalaman na masaya ka talaga, kasi hindi mo na binibilang eh (tagal ng pagsasama),” sabi pa ni Gerald.
***
MARAMI palang offer na proyekto noon kay Carlo Aquino na hindi niya tinanggap. Ito ay sa dahilang gusto niya na sanang talikuran ang showbiz. Wala na kasi siyang tiwala sa sarili niya bilang aktor.
Pero nagbago ang isip niya na mag-quit sa showbiz. At nanghinayang siya sa mga pinalagpas na mga offer.
Sabi ni Carlo,”Yung mga past projects ko na hinindian nu’ng nag-lie low ako pinanghinayangan ko. Kasi medyo matagal din yon, mga two years. Kasi nga takot na takot ako kasi nga hindi ako naniniwala sa sarili ko.”
Patuloy niya,“Pero katulad ni Ryza (Cenon, leading lady niya sa latest movie niya), hindi rin ako nagsisisi kasi yon nga, kailangan kong pagdaanan yung bagay na yon para marating ko kung nasaan ako ngayon. Iba kasi yung nagsisi ka sa nanghinayang ka, di ba?
“Kasi nu’ng time na yon, magma-migrate na dapat ako sa Amerika. Magpapa-adopt ako sa uncle ko. Pero mabuti na lang din hindi ko itinuloy kasi nga mahal na mahal ko yung ginagawa ko, yung trabaho ko.
“So parang kailangan kong pagdaanan yon. Gusto ko ba talagang umalis at sukuan itong mahal na mahal kong trabaho, parang ganu’n,” aniya pa.
Samantala, pagdating naman sa usaping pag-ibig, hindi rin daw niya ito sinusukuan, “Ako, ipinaglalaban ko talaga. Ipinaglalaban ko. Sayang, eh, lalo na ilang taon na ako.
So, ano kapag sumuko ako, kikilala ako and then kami ng ilang years, di ba? Parang ulit na naman. Basta, laban na lang!”