Advertisers
Ni JOVI LLOZA
INIISIP ng marami na may isa pang alas ang Tape Inc. na itatapat sa TVJ sa TV5.
Naispatan pa nga ng chika belle na nakipag-meeting ito sa Jalosjos brothers.
Kaya inisip na ito na ang pangtapat ng TAPE sa umalis sa kanila na TVJ.
Pero may malaking problema ang TAPE sa isang kilalang personalidad nang tumanggi sa offer para tapatan ang TVJ.
Yes, si Willie Revillame ang tumanggi na tanggapin ang offer ng magkapatid na Jonjon at Bullet Jalosjos para mag-guest sana sa kanilang Eat Bulaga.
Dahil sa malaking respeto ni Willie sa Tito, Vic at Joey ay di nito tinanggap ang offer.
At least si Willie, alam ang delikadeza at respeto sa kapwa artista at kasama sa industriya di katulad ng iba diyan.
Alam na this!
***
Ellen inilahad ang sustento ni Lloydie sa anak
TAONG 2017 nang maging magkarelasyon sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz.
Makalipas ang isang taon ay isinilang na ni Ellen ang kanilang anak na si Elias.
At nung 2019 ay tuluyan nang nagkahiwalay ang dating partners.
Sa IG ni Ellen ay may mga nagtanomg at curious kung nagsusustento ba si JLC sa kanilang anak.
Maraming nagulat sa rebelasyon ni Ellen regarding sa financial support ng mahusay na aktor.
As in gulantang ang lahat nang malaman sa ex partner ni Lloydie kung nagsusustento ba ang aktor.
Inihayag na nga ng dyowa ni Derek Ramsay at ipinagmalaki nito at sinabing ‘Yes!’
Mismo ngang si JLC ang nagtanong kay Ellen na magkano ba ang isusustento nito sa anak.
Ayon naman sa pangangailangan ng anak, sinabi ni Ellen na 10K.
Pero dinoble ni Lloydie at ginawa nitong 20K.
Well, well, well… ‘Yun na!