Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
HALOS sampung taon na ring single ang ultimate leading man at actor na si Piolo Pascual.
Sa edad na 46, hindi rin daw niya hinahanap ang kanyang lifetime partner.
Sa ngayon daw kasi, priority pa rin niya ang career over lovelife.
Ani Piolo, sa dami ng commitments niya ngayon, tila wala rin daw siyang panahon para makipag-date o bigyan ng panahon ang kanyang buhay pag-ibig.
“I’ve been single for so many years. You Know sometimes of course there are nights na sana may katabi ka… I’m not the type na gusto ko nang may kasama. Nasanay na ako nang ganito. Wala kang pinagrereportan. Wala kang kailangan uwian. Siguro pagtanda ko nang kaunti, aabot ako doon. Pero sa ngayon talaga, I don’t see it happening,” aniya.
Para sa kanya, unfair din daw sa babae na hindi niya ito mapaglaanan ng oras.
“So hindi ko siya ine-entertain, I don’t even see the point of being in a relationship because I’m busy. I’m booked ’til next year so I don’t have time for it. Even if I want it, wala naman akong time saan ko siya ilalagay?”, esplika niya.
Dagdag pa niya, ni fling daw o one night stand ay hindi niya kayang magkaroon.
Itinuturing din daw niyang ang trabaho ang kanyang asawa sa kasalukuyan.
Gayunpaman, hindi naman niya umano isinasara ang kanyang isip at puso sa pagkakaroon ng sarili niyang pamilya.
“Sayang naman din ‘di ba? Darating naman tayo ‘dun since lalake naman tayo. Hindi kailangang magmadali. tumanda man ako, pwede pa rin akong magkaanak,” ani Papa P. “So, it’s just that for now, this is my priority. And I feel na ang dami ko pang pwedeng gawin, ang dami ko pang gustong gawin, na sana magawa ko before I settle down. I know, darating at darating ‘yun. If it’s for me, then if not, there is my family, there’s my son. But hindi ko talaga siya iniisip,” dugtong niya.