Advertisers
ANG Office of the Vice President sa ilalim ni Sara Duterte ay lumustay ng P125 million sa confidential expenses sa second half ng 2022, kumpara sa zero noong 2021, ayon sa Commission on Audit.
Si Duterte ay umupong Vice President June 30, 2022, kapalit ni Leni Robredo.
Sinabi ng COA, ang pag-release ng karagdagang allotment para sa confidential expenses ay ginawa 2nd semester ng 2022, at ito ay nagkakahalaga ng P125 million.
Sinabing ang paglabas ng halagang ito, gayundin ng karagdagang allotment para sa medical assistance noong second semester ng 2022, ay nagdagdag ng allotment para sa maintenance at iba pang operating expenses sa naturang taon.
Ang confidential expenses ay nauukol sa “expenses for the safe implementation of various projects and activities under the Good Governance Program and the conduct of official engagements, and functional representation in international and domestic events as instructed by the President.”
Ngayong 2023, ang OVP ay mayroong P500 million para sa confidential expenses.
Sa COA report para sa 2022 sa OVP, nakita na ang travel expenses nito ay halos nadoble kumpara noong 2021.
Ang travel expenses noong 2022 ay nagkakahalaga ng P20.11 million, kumpara noong 2021 na P10.66 million lamang.
Hindi sinabi ng state auditor kung saan napunta ang malaking halaga na nagastos, pero sinabing ang dagdag ay “due to more ceremonial activities of the Vice President.”
Sinabi rin nitong maraming foreign travels noong 2022.
Nakalagay sa audit report ang pagbawas ng assistance at subsidy mula sa P526.71 million noong 2021, sa P378.82 noong 2022.
Noong 2022, ang OVP ay hindi nagbigay ng financial assistance sa local government units.
Noong 2021, ang LGUs ay nakatanggap ng P8.87 million financial assistance.
Pero ang assistance sa non-government organizations at civil society organizations ay nagdagdag mula sa P11.33 million noong 2021 sa P19.87 million noong 2022.
Ang subsidies para sa “others” ay bumaba rin mula sa P506.51 million noong 2021 sa P358.95 million noong 2022. – Mula sa website Abogado PH