Advertisers

Advertisers

Barbie at David tampok sa serye na remake ng ‘Maging Sino Ka Man’ sa GMA

0 231

Advertisers

Ni NOEL ASINAS

MASAYA ang fans ng tambalang Barbie Forteza at David Licauco dahil may solo TV series na ang dalawa na this month ang story conference.
May titulong Maging Sino Ka Man na remake for TV series noon nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.
Ang action-drama-comedy series ay ididirek ni Enzo Williams ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis.
First action-drama-comedy ni David at partner na si Barbie, na unang nakilala ang tambalan sa Maria Clara at Ibarra. Hit ang tambalan nina Barbie at David, siyempre bukod kina Dennis Trillo at Julie Anne San Jose.
Bago gawin nina Barbie at David ang bagong teleserye, nakatapos na sila ng movie sa South Korea na kinunan ang set ng movie.
Hit kahit saan pumunta sina Barbie at David. Tanggap ng fans ang kanilang tambalan.
***
MULA sa reliable source, ang ipapalit sa timeslot ng Bubble Gang ay ang show ni Dingdong Dantes, ang Amazing Earth.
Ginawang panggabing Friday night program ang show ni Dingdong na matagal na ring napapanood.