Advertisers

Advertisers

OPM Legend na si Nonoy Zuniga, parte na ng “TNT” IKAPITONG EDISYON NG “TAWAG NG TANGHALAN,” NAGSIMULA NA

0 145

Advertisers

NAGBABALIK ang pinakamatagal na singing competition ng bansa sa ika-pitong taon nito ngayong araw para ipamalas ang pangmalakasang bosesan ng mga pambato mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Sa ika-pitong edisyon nito, sasamahan sila ng isa sa haligi ng OPM na si Nonoy Zuniga bilang pinakabagong hurado sa “TNT.” Sa kanyang unang araw bilang hurado, kinanta niya ang kanyang hit song na “Kamusta Ka.”
Ayon sa Philippines’ King of Ballads, kinagagalak niyang mapasama sa “TNT” at masilayan ang pangmalakasang talento ng mga Pilipino sa kantahan.
“Very excited and happy to be here. Pipiliin natin yung talagang magagaling na mang-aawit dito. Strikto akong (coach). Dapat 99.9%,” ani niya.
Bawat araw, tatlong mang-aawit mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang maglalaban-laban para tuparin ang pangarap nilang maging kampyeon sa “TNT.” Ang mananalo naman ay dederecho sa “Face-Off,” kung saan kakalabanin niya ang defending champion.
Samantala, mula sa tatlong hurados babalik naman sa limang hurado ang kikilatis sa bawat contestant na sasalang sa entablado.
Sa unang araw ng kompetisyon, ang ginintuang tinig ni Yen Victoria ang nagwagi matapos siya makakuha ng combined score na 92%.
Panoorin ang “It’s Showtime,” 12NN mula Lunes hanggang Sabado sa GTV, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang “Showtime Online U” tuwing 11:45 AM sa Kapamilya Online Live.