Advertisers
APAT na suspek ang iniimbestigahan ng pulisya sa pagpatay at panggagahasa sa isang architecture student sa Occidental Mindoro.
Ayon kay Police Lt. Colonel Francis Quejano, tagapagsalita ng Special Investigation Task Group (SITG), may 4 na kabataang lalaki silang iniimbestigahan.
Batay aniya sa ibinigay na salaysay ng kaibigan ng biktimang si Eden Joy Villacete sa mga awtoridad, ang 4 na kabataan ay madalas magpunta sa apartment ng biktima. Nakakalaro raw ito ng biktima sa online games.
Ang mga suspek ay hindi umano kakakilala ng mga kaibigan ng biktima.
Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga nasabing kabataan.