Advertisers

Advertisers

Mag-asawa kinatay sa away sa lupa

0 124

Advertisers

AGAWAN sa lupa ang isa sa ikinukonsiderang anggulo sa ginagawang imbestigasyon sa pagpatay sa mag-asawang magsasaka sa Sitio Kalingkingan, Purok 7, Barangay Buenavista, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa ulat, may person of interest na sa karumal-dumal na pagpatay sa mag-asawang Carlos Palonya Bala-wa, 53 anyos; at Julie Daligue Bala-wa, 52, mga residente ng Barangay Buenavista.

Sa report ng Bayombong Police Station, 11:00 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng mag-asawa sa kanilang bukirin.



Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, Linggo ng umaga umalis ng bahay ang mag-asawa at nagtungo sa kanilang sakahan sa nasabing lugar para kumpunihin ang sirang hose na pinagkukunan ng tubig ng buong Forest Area sa nasabing barangay.

Kwento ng anak na babae ng mag-asawang Balawa, kinabukasan ng Lunes, nagtaka sila kung bakit hindi pa umuuwi ang kanyang mga magulang kaya nagpasya silang puntahan ang mga ito sa bukid.

Dito ay tumambad sa kanila ang bangkay ng kanyang mga magulang na tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat ng pulisyasa krimen. (Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">