Advertisers

Advertisers

3 NPA pumatay sa guro sa Masbate arestado

0 2

Advertisers

Naaresto ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang tatlong mag-anak na miyembro ng New People Army (NPA) at pangunahin suspek sa pagpatay sa isang teacher sa Masbate.
Kinilala ang mga naarestong magkapatid sa alias “Rex” at alias “Abe” at pinsan nito si Alias “Noy” – legal age at pawang taga Barangay Malibas, Palanas, Masbate.
Pawang mga miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang mga naaresto sa ilalim ng Komiteng Larangang Gerilya 1 South and Sub-Regional Committee 4 (SRC4), Bicol Regional Party Committee (BRPC), sa pamumuno ng isang “Ka Manong” na ng-ooperate sa Lalawigan ng Masbate.
Ayon kay MGen Robert Morico, Director CIDG, naaresto ang tatlong mga suspek ng pinag-sanib na elemento ng CIDG Masbate Provincial Field Unit, Regional Intelligence Unit 5 – Masbate Police Intelligence Team (PIT), PNP Special Action Force, Intelligence Company of Philippine Army, sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder, na ipinalabas ng korte November 20, 2025.
Sinabi ni Morico na si Alias Abe ang no. 8 Provincial Most Wanted na naaresto ng mga opearatiba sa Brgy. San Isidro, Cataingan, Masbate noong May 12,2026
Habang si Alias Rex ang Number 3 Regional Most Wanted Person ng Police Regional Office 5 na naaresto sa Barangay Libtong, Cataingan, Masbate noong May 13,2026.
Samantala si Alias Noy, Number 4 Regional most Wanted person na naaresto ng mga operatiba sa Barangay Nabangig, Palanas, Masbate noong May 14,2026.
Nabatid na pinagbabaril ng mga suspek ang biktima , 27-anyos, public school teacher habang naglalakad papauwi ng bahay sa Brgy Malibas, Palanas, Masbate noong July 9,2010.(Mark Obleada)