Advertisers

Advertisers

Ginang nilooban at kinatay ng kawatan

0 93

Advertisers

WALA nang buhay ang isang ginang nang matagpuan sa loob ng tahanan na pinasok ng isang magnanakaw sa Baguio city, Martes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Floradel Ucab De Mesa, 39 anyos, tubong Masbate.

Sa ulat, natagpuan ang biktima ng kanyang anak sa kanilang bahay sa Purok 8, Sampaguita Site, San Luis Extension, San Luis ng nasabing lungsod.



Ini-report sa mga pulis ng Station 1 ang pagkakadiskubre sa biktima 6:00 ng umaga.

Ayon kay Baguio City Police Station 1 commander Major Dencio Dayao, nang dumating ang anak ng biktima sa kanilang bahay mula sa ospital, nakita niya ang ina na naliligo sa dugo at tadtad ng saksak sa katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nawawala ang pera ng biktima na nagkakahalaga ng P100,000, kabilang ang pera sa loob ng kanyang piggy bank o alkansya.

Lumalabas na kasama ng biktima ang kanyang 3 anyos na anak nang maganap ang insidente subali’t iniwan ang bata na hindi nasaktan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">