Advertisers

Advertisers

Maranaw trader inambus: 3 ‘killers’ tiklo

0 122

Advertisers

SUGATAN ang isang negosyanteng Maranaw nang tambangan sa mataong lugar sa Iligan City, Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Junaid Panguinaguina, taga-Ramain, Lanao del Sur.

Naaresto naman ang mga salarin na sina Abdulgafor Macaraya Potawan, Aladdin Macaraya Andang at Abdulrashid Pacasum Macaraya, na nakaabang sa isang bahagi ng mataong Quezon Avenue sa Poblacion, Iligan City.



Sa ulat, sakay si Panguinaguina ng kanyang Ford Everest pick-up truck nang pagbabarilin ng tatlo.

Sa report, may tindahan ng mobile phones at accessories si Panguinaguina sa Quezon City.



Sa tulong ng mga saksi, agad na nahabol at nasukol sa Barangay Ubaldo Laya ng mga kasapi ng Iligan City Police Station 5 sina Potawan, Andang at Macaraya.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">