Advertisers
NATANGGAP na Philippine National Police (PNP) ang kopya ng pagtanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa isinumite courtesy resignation ng 18 third level officers na ‘di umano’y sangkot sa iligal na droga.
Ito ang inihayag ni PNP Chief, General Benjamin Acorda Jr., matapos ang pakikipagpulong sa Malacanan kaugnay ng pagtanggap ng Pangulo sa courtesy resignation ng 18 mula sa 958 senior officials na binubuo ng 3 Generals at 15 Colonels.
“He gave the letter, we received the letter, we get the acceptance letter so we implemented it.”
Aniya, kailangan nila ipatupad ang nasabing order kaya’t naglabas na sila kautusan ukol dito.
Ayon kay Acorda, ipinapaubaya na niya sa Directorate for Personnel and Record Management (DPRM) ang proseso sa bagay na ito.
Aniya, may proseso pa na kailan pagdaanan partikular sa usapin ng benepisyo ng 18 senior officials.
Dahil dito, asahan na ang magagananap na balasahan sa hanay ng pambansang pulisya sa mga susunod na raw.
“Hindi naman. Organization ito eh so structural naman. When somebody is being relieved or resigned or retires meron naman papalit palagi,” ani ni Acorda.
“Well to the rest of the PNP officers and men, this is somewhat to us dumaan tayo sa courtesy resignation. Sana hindi na maulit and we can do this by cooperating with each other. Let us really convince our fellow Filipinos na ang kanilang ka-pulisan ay mapagkakatiwalaan and by doing this we will do our job professionally in all honesty and in accordance with the rule of law. That is the only way na sa tingin ko hindi na mauulit ang bagay na ito” pahayag ni Acorda.(Mark Obleada)