Advertisers

Advertisers

Pulis-Maynila nanghipo ng puwet ng dalagita arestado

0 2

Advertisers

INARESTO ang isang miyembro ng Manila Police District (MPD) nang hipuan sa puwet ang 14-anyos na babae habang naglalakad sa Malabon City, napaulat Martes ng gabi.
Sa report na nakarating sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Director, Brig. General Benliner Capili, lasing ang 45-anyos na pulis na may ranggong CMS at nakatalaga sa District Anti-Carnapping Unit (DACU) ng Manila Police District (MPD) nang mapag-tripan hipuin ang puwet ng dalagita habang naglalakad pauwi sa Salmon St., Brgy., Longos 7:30 ng gabi.
Dahil dito, nagsumbong sa kanyang pamilya ang dalagita kaya sinamahan siya ng kanyang kuya upang komprontahin ang pulis subalit, sa halip na humingi ng paumanhin, nagalit at nagbitiw pa raw ito ng mga pananakot na pananalita.
Dahil sa takot at pangamba na malagay sa panganib ang kanilang buhay, tumakbong pauwi ang magkapatid, pero hinabol sila ng pulis hanggang sa loob ng kanilang bahay na nagdulot ng takot sa pamilya ng dalagita.
Nang makarating sa kaalaman ng mga tauhan ng Malabon Police ang pangyayari ay agad silang nagresponde sa lugar sa pangunguna ng Special Weapon and Tactic (SWAT) team, nagresulta sa pagkakadakip sa suspek at nakumpiskahan pa ito ng kalibre .9mm pistol na kargado ng 20 bala sa magazine.
Nahaharap sa mga kasong Acts of Lasciviousness, Grave Threats, Alarms and Scandal, Violation of Domicile, at paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang inarestong pulis-Maynila.