Advertisers

Advertisers

2 pulis sa aregluhan sa missing sabungeros sibak

0 2

Advertisers

INALIS sa pwesto ang da-lawang pulis na sangkot sa pagtulong na aregluhin ang kaso ng mga pulis na sangkot sa kaso ng missing sabungeros.
Lumantad nitong Miyerkoles ang pamilya ng missing sabungeros at isiniwalat na may dalawang pulis mula sa Crame ang sumundo sa kanila at nagpapasok sa kanila sa loob ng custodial facility kung nasaan ang mga pulis na akusado sa nasabing kaso.
Ayon kay Highway Patrol Group (HPG) Director, Brigadier General Rommel Batangan, ang pagsundo at pagdala sa pamilya ng missing sabungeros sa custodial facility sa Crame ang naging partisipasyon lamang ni Lt. Nadame Malang sa insidente.
Samantala, ayon sa direktor ng Headquarters Support Service na si Brig. Gen. Manuel Abrugena, kinumpirma ng kanilang tauhan na si Major Reynaldo Pañebe na may mga taong bumibista sa mga nasabing PUPCS ngunit hindi niya pa ito pinapangalanan.
Ayon kay Abrugena, may mga rekord sila sa mga luma-labas-pasok sa loob ng custodial facility at iniipon na nila ito bilang ebidensya para sa gagawing imbestigasyon.
Sa ngayon, ang mga nasabing personnel ay naka-floating status sa Personnel Holding and Accounting Unit sa Camp Crame.