Advertisers

Advertisers

‘Drama’ ni Senadora Pia Cayetano

0 8,356

Advertisers

BINIRA ni Senador Ping Lacson ang patutsada ni Sen. Pia Cayetano na wala manlang daw  nangamusta sa kanila pagkatapos ng putukan sa Senado noong Mayo 13.
Nasa Senado ang minority senators na kinabibilangan nina Lacson, Tito Sotto, Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Win Gatchalian, Bam Aquino at ilan pa para mag-caucus nang mangyari ang putukan, na gawa ni Senate Sergeant-at-Arms chief retired Police Major Greneral Mao Aplasca na tao nina Senate President Alan Peter Cayetano  at mistah ni Sen. Bato dela Rosa sa Philippine Military Academy.
Mangiyak-ngiyak kasing nagsalita si Pia na wala manlang daw nangamusta sa kanila nang magkaroon ng “barilan” sa pagitan ng mga tauhan ng Senate security at operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) na noo’y nasa kabilang dingding ng GSIS.
Sagot ni Lacson: “Paano mo ba naman kukumustahin ang mga masasayang nagkakainan, nagkakape at naka-FB live pa para pagbintangan ang minority bloc na may alam daw sa putukan ng baril sa Senado?”
Oo nga naman! Hehehe…
Matapos kasi ang putukan ay nag-post sa social media ang grupo ng majority senators na pinamumunuan ni Alan Cayetano na nagtatawanan habang kumakain at nagkakape. Si Sen. Robin Padilla nga nakangiting nag-thumbs-up nang tanungin ng media kung ano yung putukan.
Ang reaksyon tuloy ng netizens sa paiyak-iyak ni Sen Pia ay nagda-drama lag ito.
Sa totoo lang, ang dapat sisihin sa kaguluhan o barilan kuno sa Senado ay walang iba kundi ang utol ni Pia na si Alan. Mismo!
Kung hindi pa isinapubliko ng Malalanyang ang CCTV footages sa nabanggit na kaguluhan ay hindi malalaman ng madla na puros kadramahan at kasinungalingan ang pinagsasabi nina Alan at Bato.
Simula nang mailabas sa madla ang CCTV footages hindi na nagsalita si Alan. Natameme na!
***
Inanunsyo ng Department of Justice na pinaaaresto na si Sen. Bato sa bisa ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) matapos ibasura ng Korte Suprema ang petisyon ng senador para pigilan ang pagpatupad sa ICC warrant.
“The Phillippine lawforcement agencies now tasked to effect the arrest of Sen. Bato dela Rosa,”diin ni Justice Secretary Fredderick Vida sa press conference nitong Huwebes, May 21. “Sen. Bato is a fugitive from justice and he should be brought to the ICC to face the charges.”
Naaresto na sana si Bato noong Mayo 11 nang sumulpot ito sa Senado para bumuto para patalsikin si Sen. Tito Sotto sa pagka-Senate president, ngunit kinustodya ito ng bagong liderato ng Senado ni Sen. Alan Peter Cayetano.
Mayo 14 ng madaling araw, matapos ang putukan gabi ng Mayo 13, itinakas ni Sen. Padilla si Bato gamit ang sasakyan ng actor/politician.
Nahagip ng CCTV ang pagtakas ni Bato kasama ni Padilla.
Pinag-aaralan ngayon ng DoJ ang pagsasampa ng kaso laban kay Padilla ay kay Cayetano.
Ang posibleng ikaso kina Padilla at Cayetano ay: Obstruction of Justice, Harboring a criminal fugitive, at Aiding and abetting a criminal.