Advertisers

Advertisers

ER ng Ospital ng Maynila pansamantalang isasara

0 3

Advertisers

Inanunsyo ng pamahalaang lungsod ng Maynila na pansamantalang isasara ang Emergency Room ng Ospital ng Maynila mula Mayo 24 hanggang Hunyo 1.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso, ito ay para bigyang-daan ang mga pagsasaayos sa mga pasilidad nito.

Sinabi ng alkalde na ilang linggo pinag-aralan ng pamahalaang lungsod kung paano aayusin ang ER ng ospital nang hindi itinitigil ang operasyon nito, ngunit lumabas sa mga pagsusuri na hindi ito ligtas para sa publiko, kaya’t kailangang pansamantalang isara.

Sinabi naman ni City Health Officer Dr. Grace Padilla na ililipat ang mga pasyente sa anim (6) na iba pang pampublikong ospital na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan (LGU) upang matiyak na hindi mapapabayaan ang mga nangangailangan ng agarang tulong medikal.

Bilang paghahanda sa loob ng isang linggong pagsasara ng ER magtatalaga ng ambulansya na naka-standby 24/7 at isang tent area sa labas ng ospital para umasikaso sa mga darating na pasyente bago sila ilipat ng pasilidad.

Tiniyak naman ng alkalde na matutuloy-tuloy ang pagsasaayos sa pasilidad araw at gabi upang matiyak na makapagbubukas muli ang ER sa itinakdang petsa sa Hunyo a-uno. (Jocelyn Domenden)