Advertisers

Advertisers

‘USAPANG LALAKI’ SA PAGITAN NINA MATIBAG AT CAYETANO, ALAM NG DIYOS

0 4

Advertisers

“God is watching us.”

‘Yan na lang ang mensahe ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Atty. Melvin Matibag para kay Senate President Alan Peter Cayetano sa gitna ng napakaraming pahayag ng huli na ayon kay Matibag ay taliwas sa mga talagang nangyari sa Senado noong Mayo 13.

Una sa lahat, personal daw silang nagkaroon ng ‘gentleman’s agreement’ o usapang lalaki sa loob mismo ng Senado

Ikinuwento niya sa MACHRA Balitaan forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na bago ang kaguluhan, nag-usap sila ni Cayetano sa loob ng Senado kung saan nangako sila sa isa’t-isa.

Ipinangako daw ni Matibag na gagalangin ang resolusyon ng Senado na layong ilagay sa ‘protective custody’ o sa pangangalaga ng Senado si Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa. May arrest warrant na kasing inilabas ang International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa at ise-serve sana ito ng NBI pero kumaripas nga ng takbo si Bato matapos itulak diumano ‘yung dalawang babaeng NBI agent na may hawak ng warrant.

Ang naging usapan umano nila ni Cayetano, magwi-withdraw ang NBI team sa Senado na magsisilbi sana ng warrant bilang respeto sa Senate resolution.

Sa kabilang banda, nangako naman daw si Cayetano na sila ang bahala kay Sen. Bato na pag kailangan nila ay nariyan lang siya at di daw ito tatakas, na sila daw ang magbibigay o magsusuko kay Sen. Bato at andiyan ang legal team nito.

Habang nag-uusap daw sila at nagpapalitan ng pangako, naroon ang halos lahat ng miyembro ng majority bloc sa Senado. Partikular niyang binanggit na naroon habang nag-uusap karinig sa usapan sina Senators Loren Legarda, Mark Villar, Imee Marcos at Rodante Marcoleta at dumating pa nga daw kalaunan sina Senador Bong Go at Jinggoy Estrada.

Naging maayos daw ang kanilang ‘usapang lalaki’ at kaklase din niya si Cayetano sa law school kaya talagang umasa siya na tutuparin nito ang kanyang mga ipinangako, dahil maliwanag namang tumupad ang NBI, partikular na si Matibag, sa kanilang usapan na sinaksihan ng mga Senador mismo

Naniniwala si Matibag na sa pagtatapos ng araw, nagdarasal si Cayetano. Sa puntong ‘yan ay binanggit ni Matibag ang kantang ‘God is watching us.’

Sabi ni Matibag, alam ni Cayetano ang mga totoong pangyayari at ito ay nasa pagitan na lamang niya at ng kanyang Diyos.

Pero sa totoo lang, maliwanag na tinotoo naman ni Cayetano ang pangako niya kay Matibag na sila ang ‘bahala’ kay Dela Rosa. Nakatakas na nga, di ba?

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.