KOMUNIDAD NG ROLL BALL LUMALAWAK
Advertisers
Sa patuloy na pag-usbong ng mga bagong sports sa bansa, mas lalong nakikilala ngayon ang Roll Ball bilang isa sa mga pinaka-dynamic at exciting na larong nagbibigay ng bagong oportunidad para sa mga atletang Pilipino.
Ito ang naging tampok na pahayag ni Philippine Roll Ball Association (PRBA) President Tony Ortega sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa PSC Conference Room ng Rizal Memorial Sports Complex.
Ibinahagi ni Ortega ang patuloy na pagsisikap ng asosayon na palawakin ang popula-ridad ng Roll Ball sa buong bansa. Ayon sa kanya, malaking potensyal ang nakikita nila sa sport lalo na sa kabataan.
Aniya, patunay ang matikas na kampanya ng bansa sa nakalipas na Asian Roll Ball Championship sa Vietnam at sa World Cup sa Dubai.
“Hindi man tayo nakapaguwi ng medalya, naipakita natin ang kakayahan ng mga Pilipino sa sports. Considering na three years pa lang natin na nabuo ang aso-sasyon, patunay na adobtable tayo sa anumang sports,” aniya.
Mas napalawak din ng PRBA ang komunidad sa pagbuo ng Lingayen Roll Ball Federation sa pa-ngangansiwa ni coach Julius Sison, Ph.D, at Coron, Palawan Roll Ball Association sa ilalim ng pamumunuo ni coach Joven Seneres.
Ipinaliwanag din niya na patuloy silang nagsasagawa ng grassroots programs, clinics, at exhibition matches upang mas maraming kabataan ang mahikayat na subukan ang naturang sport na pinagsasama ang skating, passing, speed, at teamwork.
Samantala, binigyang-diin naman ni Coach Seneres ang kahalagahan ng tamang disiplina at commitment sa paglalaro ng Roll Ball. Ayon sa kanya, mabilis ang pacing ng laro kaya kinakailangan ng focus, stamina, at mahusay na coordination.
“Hindi lang ito basta skating game. Kailangan dito ng strategy, teamwork, at mabilis na pag-dedesisyon. Kapag natutunan ng mga bata ang Roll Ball, nade-develop din ang kanilang confidence at discipline,” ani Seneres.
Dagdag pa niya, nakatutulong nang malaki ang mga programa sa komunidad upang mas makilala pa ng publiko ang Roll Ball at makahikayat ng suporta mula sa iba’t-ibang sektor.
Sa pagtatapos ng programa, nagpahayag ng pasasalamat sina Ortega at Seneres sa media at sports community sa patuloy na pagbibigay ng plataporma para sa mga umuusbong na sports sa bansa. Umaasa rin silang balang araw ay maka-pagbibigay ang Roll Ball ng panibagong kara-ngalan para sa Pilipinas sa international competitions.