Advertisers
NABIGONG makapasok sa pangunahing paligsahan ang mga Filipinong sina Sofiah Pagara at Khylem Progella matapos matalo kina Lilla Villam at Stefania Kun ng Hungary, 19-21, 18-21, sa Volleyball World Beach Pro Tour Nuvali Challenge sa Nuvali Sands Courts sa Sta. Rosa, Laguna, Miyerkules ng gabi.
Nauna ng 12-16 sa ikalawang set, naghatid si Pagara ng dalawang ace at dalawang atake habang pinantay ng Alas Pilipinas ang iskor sa 16-all.
Ngunit sina Kun at Villam, kampeon sa 2025 Balkesir Futures sa Turkey, ay nakipaglaban pabalik upang makuha ang 19-16 na kalamangan bago pigilan ang huling hamon mula sa malakas manlalarong si Pagara upang makausad sa susunod na round ng paligsahan.
Tinalo nina Pagara at Progella ang mga Aleman na sina Mareet Maidhof at Tabea Schwarz, 21-19, 28-26, upang makapasok sa hu-ling round ng kwali-pikasyon.
Pinangunahan ni Villam ang Hungary na may 14 na puntos, habang nagdagdag si Kun ng 10 puntos.
Kinumpleto nina Wies Bekhuis/Desy Poiesz at Nigella Negenman/Floor Hogenhout ng Netherlands, Kaiyue Jiang/Jie Dong ng China, Andressa Ramalho/Taina Bigi ng Brazil, Sofia Bisgaard/Cirkeline Høg ng Denmark, Marie-Alex Bélanger/Amy Ozee ng Canada at Daniele Kvedaraite/Jekaterina Saule ng Lithuania ang pa-ngunahing draw ng kababaihan sa kauna-una-hang Pro Tour na in-host ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa pangunguna ni Anthony “Tonyboy” Liao.
Sa men’s division, natalo sina Alex Iraya at Alihfaisal Gampong sa Australia’s Oliver Merritt at Jed Walker, 7-21, 13-21, habang natalo sina Edwin Tolentino at Lerry Francisco sa Brazil’s Gabriel Santiago at Johann Dohmann, 12-21, 11-21.
Kasama sa main draw sina 2025 SEA Games champions Sisi Rondina at Bernadeth Pons sa dibisyon ng kababaihan at sina Ranran Abdilla at Ronniel Rosales sa dibisyon ng kalalakihan.