Advertisers
NASA hot water ngayon ang isang lasing na pulis nang ipagharap ng reklamo ng 3 katao na tinutukan nito ng baril at pagpaputok sa Iloilo City nitong Sabado.
Kinilala ang pulis na si Nico Galvesolo, 38 anyos, nakatalaga sa Iloilo City Police Station at residente ng Brgy. Buntatala, Iloilo City
Samantala, ang mga biktima ay kinilalang sina Joshua Celiz, 19 anyos; Joel Zepeda, 20; at Kevin Lee Jaboneta, 21.
Ayon kay Colonel Joeresty Coronica, hepe ng Iloilo City Police, naganap ang insidente sa Jaro District, Iloilo
Naglalakad ang lasing na pulis nang makasalubong nito ang 3 biktima at tinutukan ng baril. Pinaputok ng pulis ang baril pababa sa lupa.
Agad tumakas ang pulis, na kalaunan ay sumuko sa himpilan ng pulisya. (Mark Obleada)