Advertisers
NASILAT ng Adamson ang kasalukuyang UAAP champion La Salle sa nakamamanghang 22-25,25-17,17-25,27-25,16-14 come-from-behind win sa Game 1 ng Shakeys Super League (SSL) National Invitationals finale Miyerkules sa FilOil EccoOil Centre sa San Juan.
Umiskor si skipper Lucille Almonte ng 24 points on three aces at block habang ang rookie Red Bascon nagtapos ng seven points para sa Lady Falcons.
Ayesha Juegos 13 points habang si Sharya Nicole Ancheta at Lorene Toring nagdagdag ng tig-10 puntos sa balansing atake ng Adamson sa ilalim ng bagong mentor JP Yude.
“Lagi ko kasing sinasabi sa kanila, may tiwala ako sa kanila. Kaya I always encourage them, especially nung 4th set, down kami, sabi ko ‘di pa tapos ‘yung laban. ‘Di pa naman 25. Sabi ko isa-isahin natin. Tyagain natin,” Wika ni Yude,na dating Adamson player, sa kanyang unang tournament simula e- take over mula kay Jerry Yee noong Hunyo
“Siguro, na-absorb nila yun. Siguro nakita din nila sa akin, for me, ‘di pa talo. Ayusin nyo yung mga mukha nyo, yung body language nyo. Hindi pa tapos ‘yung laban. Siguro nakita nila yung eagerness na i-push sila.”
Shevana Laput nagtala ng tournament-high na 30 points, Thea Gagate at Alleiah Malaluan nagdagdag ng 14 points habang si Baby Jyne Soreno may 11points para sa La Salle na nalasap ang unang kabiguan sa 12 -team sa Shakeys Super League.