Advertisers

Advertisers

2 nasawi sa araro ng SUV

0 239

Advertisers

NASAWI ang isang supervisor at kasama nito sa trabaho nang araruhin ng rumaragasang SUV sa Madison St., Barangay Ilaya, Mandaluyong City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Randy Manalac, 52 anyos, supervisor ng chemical mixer; at Reagan Ramos, 32, ng Tala, Caloocan.

Habang hawak na ng awtoridad ang driver ng SUV Mitsubishi Montero (ABO-5887) na si Johnarvin Gambalan y Lopez, 30, data analyst, ng Kaunlaran Village, Caloocan City.



Ayon sa imbestigasyon ng Traffic Investigator, Corporal Kennon Rey Araña; at Cpl. Niño Domio, 7:30 ng gabi ng Miyerkoles nang mangyari ang insidente sa harap ng Pioneer Highland Condominium.

Kasalukuyang nagpapahinga sandali mula sa trabaho ang mga biktima nang araruhin ito ng rumaragasang Montero. Sa lakas ng impak tumilapon si Manalac na tumama sa gutter at agad na nasawi, habang dead on arrival sa ospital si Ramos. (Edwin Moreno)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">