Advertisers
INAALAM na ng mga awtoridad ng Valenzuela City ang pagkakakilanlan ng driver ng isang SUV na nahuli-cam na bumaba ng kaniyang sasakyan na may hawak na baril, na hinihinalang isa rin insidente ng away sa kalye.
Sa ulat, ipinalabas ang video na ipinost ni Atty. Raymund Fortun sa Facebook, makikita ang driver ng isang SUV na bumaba ng kaniyang sasakyan na may dalang baril at kaniyang ikinasa.
May nilapitan siyang tao at maya-maya lang may itinulak siyang lalaki bago bumalik sa kaniyang SUV.
Hindi pa malinaw kung ano ang pinagmulan ng kaguluhan.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela, nangyari ang insidente sa Bignay road noong Agosto 19.
Inihayag naman ng Northern Police District na masusi nang iniimbestigahan ng Valenzuela City Police ang insidente para matukoy kung sino ang lalaki na may hawak na baril.
Nanawagan din ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela sa mga nakasaksi sa insidente na makipag-ugnayan sa kanila o sa pulisya para makilala ang driver.
Tiniyak ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian sa isang siklista na iimbestigahan ang naturang insidente.