Advertisers

Advertisers

Criminology stude patay sa trip ng 3 kalalakihan

0 112

Advertisers

TINUTUGIS ngayon ang tatlong lalaki na nagtulung-tulong sa pambubugbog sa namatay na criminology student nitong nakaraan linggo sa Pangasinan.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Surgical Intensive Care Unit sa Region 1 Medical Center Bonuan Binloc ang biktimang si Ronald Pescador, 20 anyos, ng Barangay Mayombo sa nasabing lungsod.

Ayon kay Police Lieutenant Brendon Palisoc, officer-in-charge ng Dagupan City Police, unang ini-report sa kanila na naaksidente sa motorsiklo ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa ulo at katawan.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na pinagtulungan palang bugbugin ang biktima ng tatlong lalaki.

Hindi nakitaan ng kahit na anong bahid ng gasgas ang motorsiklo na gamit ng biktima na palatandaan na naaksidente ito.

Kwento ng ina ng biktima na si Nathalie, nagpaalam ang kanyang anak gabi ng August 26 para dumalo sa birthday party ng kaibigan sakay ng motorsiklo.

Nakausap pa aniya ang anak na pauwi at sinabi nito na hindi siya nakainom. Subali’t pagsapit ng 11:00 ng gabi nakatanggap siya ng tawag hinggil sa aksidenteng nangyari sa anak.

Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga salarin para sa gagawing imbestigasyon.