Advertisers
ISA na namang re-electionist na barangay chairwoman at live–in partner nito na kandidato sa pagka-barangay kagawad nang pagbabrilin sa loob ng kanilang tahanan sa Santa Margarita, Samar nitong Miyerkoles.
Kapwa nasawi noon din ang mga biktima na nakilalang sina Barangay Chairwoman Vivian Morales Verano, 46 anyos; at live in partner niyang si Roel Casaljay, 43, ng Brgy. Campeig, Sta Margarita.
Sa report, natutulog ang mag-live in partner nang pasuking ng anin na mga armadong lalaki ang kanilang bahay at pinagbabaril. Mabilis na tumakas ang mga salarin sa ‘di nabatid na direksyon.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng nasabing insidente. (Mark Obleada)