Advertisers
MARIING nagbabala ang pamunuan ng Land Transportation Office sa mga colorum na pampublikong sasakyan, kasama na ang mga school service.
Ito ay kasabay ng order na inilabas ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista kung saan panibagong crackdown ang gagawin sa pangunguna ng LTO.
Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza II, nagbigay na siya ng direktiba sa lahat ng mga regional director sa buong bansa upang magdeploy ng mga enforcement team nito na silang magsagawa ng operasyon.
Kasama sa mga babantayan aniya ay lahat ng uri ng pampublikong sasakyan, mula sa mga public utility bus hanggang sa mga school service.
Aminado ang LTO official na matagal na itong problema ng tanggapan at kailangang mai-pokus na dito ang kanilang mga operasyon.
Lagi-lagi aniyang nasa panganib ang buhay ng mga commuter dahil sa presensya ng mga kolorum, kaya’t panahon na rin upang mapatigil ang lahat ng mga ito.