Advertisers

Advertisers

860 Tupad beneficiaries lumahok sa orientation at contract signing ng Cal. PESO, DOLE

0 42

Advertisers

Mahigit 860 residente ang lumahok sa contract signing at orientation para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD) program na ginanap ng Department of Labor and Employment (DOLE) at City Government of Caloocan sa Morning Breeze Elementary School at Buena Park.

Ang TUPAD program ay isang inisyatiba ng DOLE sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan upang magbigay ng emergency at pansamantalang trabaho sa mga kwalipikadong residente.

Pinasalamatan ni City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang koordinasyon ng DOLE at ng Public Employment Service Office(PESO) upang lumikha ng mga pagkakataon para sa mga displaced at underemployed na manggagawa sa lungsod at nangako sa kanyang patuloy na suporta sa mga naturang programa.



“Sa akin pong administrasyon, malaking tulong po ang pagbibigay ng kabuhayan sa ating mga kababayan kaya asahan niyo po na patuloy ang suporta natin sa TUPAD at sa iba pang programang katulad nito,” wika ni Mayor Along .

“Bunga po ng magandang relasyon sa pagitan ng DOLE at PESO, marami na naman tayong Batang Kankakoo na makikinabang at magkakaroon ng oportunidad kumita. Maraming salamat sa inyong lahat,” Dagdag ni Malapitan.



Hinikayat din ng City Mayor ang kanyang mga nasasakupan na patuloy na samantalahin ang tulong na ibinibigay ng parehong pambansa at pamahalaang lungsod.

“Mga kababayan, sulitin po natin lagi ang programang hatid natin. Para po sa inyo ito at huwag nating sayangin ang pagkakataon na kumita at mag-ipon ng tulong sa isang mas magandang kabuhayan,” pahayag ni Mayor Along.(BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">