Advertisers
Nanindigan ang mga opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa mga paglalahad ng mga totoong nangyari kaugnay sa pagsuko nila Jhed Tamano and Jonila Castro, na mga community organizers ng communist front organizations.
“We will standby kung ano ang ni-report ng AFP (Armed Forces of the Philippines),” ang sabi ni Director Alex Umpar ng NTF-ELCAC Secretariat sa isinagawang press conference sa Plaridel, Bulacan.
Dagdag pa ni Umpar, nagawa pa nila Tamano at Castro na baguhin ang kanilang pahayag na sila raw ay “dinukot at sapilitang pinasuko” ng mga sundalo noong September 2, 2023 sa Orion, Bataan.
“Kaya nga tayo nagkaroon ng ganitong presscon para nga masabi nga natin na nandito, nandito ‘yung sinasabi nga nila na nawawala at nasa kustodya nga ng AFP. Nakipag-coordinate pa nga kami sa local government unit (LGU) ng Plaridel para makita na ‘yung pagkalinga dito sa dalawang kapatid na nanumbalik ay matulungan ng gobyerno lalong-lalo na dito sa Plaridel dahil constituents ito ni Mayor Jocell Aimee Vistan-Casaje. ‘Yun ang aming mission para mailapit at matulungan ang dalawang kapatid na nagbalik-loob, according to the AFP. We standby with what the AFP (and) PNP for that matter na nailahad hinggil dito sa insidenteng ito,” ang paliwanag pa ni Umpar.
“Kailangan nating tulungan ang dalawang nagbabalik-loob na mga ito. Kaya nandito ang lahat ng line agency para maging maayos ang lahat. We will really provide the right assistance to these victims of terrorism,” dagdag pa niya.
Sa kabilang banda, sinuguro naman ni Plaridel Mayor Jocell Aimee Vistar ang pag-aaruga sa dalaw at sinabing ang kanilang LGU ay odo-suporta kina Tamano at Castro, gaya ng kanilang pag-kalinga sa iba pang mga kabataan ng probinsiya.
“Kami (LGU) po ay nandito para tulungan ang lahat ng sektor, ganun din sa mga kabataan. Kami po ay sinusuportahan ang inyong pagbabalik,” ang sabi ni Vistar.
Sa isang kalatas, matapos ang press conference, sinabi ng pamunuan ng NTF-ELCAC na ikinalungkot nila ang “biglaang pagbabago ng isipan” ng dalawang mag-aaral, ngunit di nito mapipigilan ang kanilang pagtupad sa mandato ng task force.
“The said press conference was organized with only the best of intentions in mind for the said students and we are extremely grateful to the local government unit of Plaridel under Mayor Casaje for their generosity and hospitality in facilitating the event,” ang sabi ng Task Force sa kanilang kalatas.
“The NTF-ELCAC stands by the position of the 70th Infantry Battalion under LtCol. Ronnel Dela Cruz on the circumstances surrounding the surrender of Tamano and Castro, backed up by the duo’s respective affidavits narrating their whereabouts from the time they decided to leave the underground movement until their safe arrival at the Battalion headquarters with the help of a friend,” dagdag pa nito.
Anila, ang NTF-ELCAC leadership “pananatiliin ang seguridada ng dalawang kabataan at laging nakatuon sa bawat Karapatan ng sinoman indibidwal sa anomang kaganapan.
The holding of the press conference was imbued with a tremendous amount of good faith, notwithstanding the unimaginable outcome of the same. If their intention was to humiliate the NTF-ELCAC and those who trusted them despite the good faith we have shown, we shall remain unfazed and committed to fulfilling our mandate for the greater good of the people and of the country. We leave to the wisdom of the Task Force’s legal eagles as to how to proceed from here,” ang sabi pa ng task force.
Matatandaan na una nang inihayag ni Captain Carlito Buco Jr., public information officer ng Bataan Provincial Police Office (BPPO), ay pinabulaanan ang propagandang ikinakalat ng mga organisasyong gaya ng AKAP Ka, na kaalyado ng Pamalakaya; Karapatan at Kabataan partylist na dinukot ang dalawa.
Sinabi naman ni Lieutenant Colonel Ronnel dela Cruz, commanding officer ng 70th Infantry Battalion, na siyang sumundo kina Tamano at Castro noong Sept. 12 Guagua, Pampanga, ay pinasonungalingan din nito ang mga naging pahayag ng dalawa.
“There has been negotiations for their surrender,” ang sabi ni Dela Cruz.
Batay sa police report, sina Tamano at Castro sinundo noong Sept. 2 ng isang nakilala lamang bilang “Ate” na kinontak ng dalawa dahil sa kagustuhang tumiwalag na sa komunistang-teroristang samahan. Ang tao ring ito ang nagdala kina Tamano at Castro sa isang ligtas na lugar at tinawag ang 70IB upang lalong mapabuti ang dalawa.
Pinanindigan din ni Dela Cruz na gumawa ng sinumpaang salaysay sina Tamano at Castro sa harap ng abogado ng Public Attorney’s Office (PAO).
“Nagkaroon po sila ng attorney na kanilang pinanumpaan po ang kanilang salaysay which is ‘yun nga po ibinigay sa kanila ‘yung salaysay nila. Klaro naman po, ini-edit nga po nila ‘yung salaysay nila, wala po kami roon nung kinuhaan po sila ng salaysay,”paliwanag ni Dela Cruz.