Advertisers

Advertisers

Tansingco umaasang papasa ang budget request para sa tech upgrades

0 10

Advertisers

UMAASA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na papasa ang 2024 budget request para sa ahensya.

Sa isinagawang Public Hearing of the Committee on Finance na pinamumunuan ni Senator Sonny Angara kung saan pinag-usapan ang panukalang 2024 National Expenditure Program ng Department of Justice (DOJ) at ng mga kadikit na ahensya nitong October 9, iniulat na ang BI ay humihiling ng P 4.24B budget para makakuha ng kinakailangang technological upgrades para sa ahensya.

Ibinahagi ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na ang halaga ay bahagi ng P34.487B budget request para sa buong departmento. Binigyang diin ni Remulla na ang nasabing halaga ay 0.60% lamang ng total national budget.



Sa kabila ng napakaliit na halaga, sinabi ni Tansingco na tiwala siyang magagampanan nito ang kanilang commitments, lalo sa sa technological upgrades para sa ahensya.

Bahagi ng budget , ayon kay Tansingco ay gagamitin para bumili ng karagdagang electronic gates para sa kanilang arrival and departure operations.



“The medium-term target is to replace 50% of our manual counters to electronic gates,” pagbabahagi nito.

Sa kasalukuyan ay may 21 e-gates ang nakakalat sa major international airports. Ayon kay Tansingco, kailangan palawakin ito upang palakasin ang efficiency ng kanilang serbisyo at mabawasan ang pagsikip sa airports. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">