Advertisers

Advertisers

ISA PANG FRATMAN SA BRAVANTE HAZING SLAY SUMUKO SA PNP!

0 60

Advertisers

SUMUKO sa Quezon City Police District (QCPD) ang isa pang miyembro ng Tau Gamma Phi Fraternity na sangkot pagkamatay ng 4th year Criminology student ng Philippine College of Criminology (PCCR) na si Ahldryn Lery Chua Bravante matapos sumailalim sa initiation rites nitong Lunes sa isang abandonadong gusali ng STEPS Condominium sa Calamba St., Brgy. Sto Domingo, Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCCPD) Director, Brigadier General Redrico Maranan, sumuko si John Arvin Kaylle Diocena aka “KY”, 23 anyos, 3rd year student sa PCCR at residente ng 61 Elge Aries Street, Barangay Tatalon, Quezon City.

Sinabi ni Major Don Don Llapitan, hepe ng QCPD Criminal Investigation and DetectionUnit (CIDU) , sumuko si Diocena 10:50 ng umaga nitong Huwebes (October 19, 2023), at sinundo ng mga operatiba ng CIDU sa harap ng Sergio Osmeñia High School sa Araneta Avenue, Barangay Masambong.



Ayon kay Llapitan, isinuko si Diocena ng kanyang tiyahin na isang guro sa nasabing paaralan.

Ayon sa tiyahin, sumuko ang kanyang pamangkin para linawin ang kanyang naging partisipasyon sa hazing.



Ayon kay Diocena, nasa labas lamang siya ng pinangyarihan kasama ang ilang kasama at nagbabantay lang. Aniya, hindi niya sinaktan si Bravante.

Nitong Miyerkoles (Oktubre 18, 2023), 5:30 ng hapon naunang sumuko si John Xavier Clisoro Arcosca, 18, alyas “Uno”, 1st year student sa PCCR), ng 2111 F, Muñoz Street, San Andres Bukid, Manila.



Sa kasalukuyan, anim na suspek na ang nasa kustodiya ng QCPD – CIDU. Ang naunang apat na naaresto ay sina Justine Cantillo Artates, 20; Kyle Michael Cordeta de Castro, 21; Lexe Angelo Diala Manarpies, 20; at Mark Leo Domecillo Andales, 20.

Patuloy na nananawagan si Maranan sa nalalabi pang mga suspek na mas mabuti pang kung sumuko na lamang sila at huwag nang hintayin pang lumabas ang warrant of arrest.

Sinampahan na ang mga ito at sampu pa ng kasong of RA 11053 o Anti Hazing .(Almar Danguilan/
Ernie dela Cruz)