Maricel tila pipitsuging artista, pinatay agad ang karakter sa serye; Barbie ‘di sisirain ang tiwala ng syotang si Jak
Advertisers
Ni BETH GELENA
IBINAHAGI nina Barbie Forteza at David Licauco ang mga kuha nilang larawan nang pumunta sila sa Hong Kong nitong weekend.
Huwag daw bigyan ng meaning ang pagpunta nang magka-loveteam sa HK.
Naroon daw sila para i-promote ang kanilang teleserye na “Maging Sino Ka Man.”
Ang netizens hindi naniniwalang walang namamagitan sa dalawang Kapuso artists.
May hiwalay na photos din na ibinahagi ang BarDa ng kanilang adventures trip sa Hong Kong.
Kamakailan, may lumabas na larawan ang BarDa na magkayakap.
Ang esplika ni Barbie, “To be honest, hindi pa take ‘yun, pero bina-block na kasi ni direk. Natawa lang ako kasi ‘yung unang take namin nun, ang dapat na mas yayakap.”
Si Jak Roberto ang boyfriend ni Barbie.
Aniya, hindi raw niya sisirain ang tiwala ng boyftiend.
Matagal na ang kanilang relasyon at ang trust sa isa’t isa ang kanilang matibay na pundasyon.
***
SHARON, KATH, MILES AT DIMPLES TODO SUPORTA SA JULIA-ALDEN MOVIE
TODO ang pagsuporta nina Sharon Cuneta, Kathryn Bernardo at Miles Ocampo sa red carpet premiere ng “Five Breakups and a Romance.”
Emotional sina Sharon at Kathryn after nilang mapanood ang Julia Montes-Alden Richards movie.
Na-capture ng GMA News ang emotional reactions ng dalawang aktres after mapanood ang first team up movie nina Julia at Alden.
Tuwang-tuwa si Kath sa tagumpay ng kaibigan (Julia) na matagal ding hindi nakagawa ng pelikula.
Maging ang kaibigan nilang si Dimples Romana ay naroon din kaya lalong nalubos ang kasiyahan ni Julia.
Ang tatlong aktres ay naging magkakaibigan since Mara Clara days pa kung saan si Dimples ang gumaganap nilang ina na pinagbidahan nina Kath at Julia bilang magkapatid.
***
NETIZENS BITIN SA PAGHAHARAP NINA MARYA AT SNOOKY
MARAMI ang nagtatanong bakit daw ‘pinatay’ agad ang karakter ni Maricel Soriano sa Pira-pirasong Pangarap gayong kapapasok lang daw niya bilang si Amanda.
Dapat daw ay hindi na lang siya ang pinaganap na Amanda. Kumuha na kang daw sana ng ibang artista kung papatayin lang din pala ang karakter ni Marya.
Bitin ang Diamond Star fans sa paglabas ng kanilang idolo sa PPP lalo na raw ang confrontation nina Marya at Snooky Serna.
Sey ng isang avid fan ni Marya..
“Nakaka-hurt naman ang Kapamilya Network parang ginawa lang nilang pipitsuging artista ang Diamond Star. Hindi na lang sana siya sinama sa teleserye.”
“Nakakabitin ang paghaharap nina Marya at Kookie.”
Well, mapapanòod pa naman si Maricel sa Linlang na pinagbibidahan ni Kim Chiu.