Advertisers

Advertisers

Kris at VG Leviste nagkabalikan; Fans ni Nadine nadismaya nang maligwak ang movie sa MMFF 2023

0 46

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MUKHANG nagkabali kan sina Kris Aquino at Batangas Vice-Governor Mark Leviste, huh!
Noong Miyerkules, October 18, 2023, masayang ibinalita ni Kris na si Mark ang naging daan upang magkita sila ng itinuturing niyang anak-anakan na si Kim Chiu.
Base ito sa Instagram post ni Kris na makikita ang pagbisita ni Kim sa bahay na tinutuluyan niya sa U.S. kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby.
Sa caption, isiningit ni Kris ang pagkakaayos nila ni Mark.
Sabi ni Kris (published as it is): “Videographer & the person kimmy’s ate contacted to coordinate was vice gov @markleviste- we’ve both learned from our mistakes…
“with God’s help sana tuloy tuloy na yung harmonious and supportive relationship namin.
“Thank you bimb for helping us realize all the things we needed to repair in order to strengthen our commitment.”
Matatandaan na noong October 2 nang inanunsiyo ni Kris sa kanyang Instagram post na wala na silang komunikasyon ni Mark.
At sinabi niya na sumama ang loob niya rito nang makita ang litrato nito kasama ang mga ex na sina Phillip Salvador at Robin Padilla.
Ipinost iyon ni Mark sa kanyang IG account, pero binura rin, nang makatawag ito ng pansin ng netizens.
Ayon kay Kris, hindi niya nagustuhan ang unwanted pictures dahil makakakuha lamang daw ito ng atensiyon sa anak niyang si Josh.
***
NALULUNGKOT kami na hindi napili ng selection committee ng MMFF 2023 ang pelikulang Hiwaga na bida si Nick Banayo at In His Mother’s Eyes na bida naman sina Maricel Soriano, LA Santos at Roderick Paulate para mapasama sa mga entries ngayong taon sa MMFF 2023.
Noong Martes nang inanunsyo ng Metro Manila Film Festival Selection Committee ang anim pang pelikula na pasok sa taunang film festival sa bansa. At hindi nga napili ang nasabing dalawang pelikula.
Napanood na namin ang Hiwaga sa press preview nito, and in fairness maganda ang pelikula. Kumpleto ito ng sangkap. Kumbaga, may action,comedy, drama at fantasy, na angkop sana para sa MMFF.
Nakita na rin namin ang teaser ng In His Mother’s Eyes at nagandahan din kami rito. At ang huhusay dito nina Maricel, LA at kuya Dick. Kung nakapasok ito sa MMFF 2023, siguradong mano-nominate ang tatlo sa acting category at baka nga manalo pa sila.
Ang pelikulang Nokturno na bida si Nadine Lustre ay ligwak din sa MMFF 2023. Kaya naman sobrang nadismaya ang mga fan ni Nadine.
Sabi ng isang fan niya,“Most Requested Horror Film ang Nokturno but still di nakapasok for MMFF 2023?! Disappointed & sad but still gonna watch it.”
Hirit pa ng isang fan ni Nadine, “This is not acceptable!!! Anong silbi ng mga votes and promotions namin kung na snubbed lang ng ganun mga gusto namin makapasok like #nokturno sana [emojis] ang unfairrr niyo lmaooo.”