Advertisers
Ni GERRY OCAMPO
SUMUKO na rin sa wakas si Michelle Gumabao sa pagsali sa beauty pageant at ang huling pagsabak niya sa contest ay ang 2020 Miss Universe Philippines na siya ang naging 2nd runner-up. Ito ang kanyang kinumpirma nang magpa-interview sa media.
Ang naging dahilan ni Michelle kung bakit hindi na siya muling lalahok sa mga beauty contest ay ang age requirement ng international pageant organization na dapat ang mga magiging representative ay kailangan 18 to 27 years old o kaya ay 28 years old bago magsimula ang international competition.
Ayon pa kay Michelle ay bibigyan na niya ng attention ang kanyang negosyo at bagong career. Hindi rin malayong pasukin ni Michelle ang pag-aartista dahil ang kanyang ama ay isa ring artista na si Dennis Roldan at maging ang kapatid na si Marco Gumabao.
“This is the beginning of an even brighter journey because I have different businesses that I would like to bring into the Philippines and now I have the time to be able to do so. I have also another career that I am eyeing for,” pahayag ni Michelle.
Sa tamang araw pa raw niya babanggitin ang kanyang mga plano.
“Now is not the perfect time to share about that but in God`s time, I`ll reveal everything,” patuloy pa ni Michelle.
***
SA Twitter ay nanawagan si Ria Atayde na tulungan siyang hanapin ang basher na pinagbantaan at pinagsabihan siya nang masasama.
Kahit siguro binura ng basher ang pagbabanta nito sa actress ay na-save at na-screenshot ni Ria ang ginawa o ipinadalang messages sa kanya ng may Twitter handle na “sandrachuikang4181.”
“Please help me find the person who owns this account. No one should ever wish someone death. This isn’t something I will take lightly.”
Ayaw o galit ang basher na inili-link si Ria kay JM de Guzman na mistulang pinagseselosan nito ang dalaga.
“Kala mo kagandang babe mukha naman lola. Mahiya ka sa sarili mo dahil ang pangit mo higad ka higad. Maligo ka ng suka ng mawala yan kati mo sa katawan kung gusto mong magpadilig mahanap ka ng katulad mo,” bahagi ng hate message kay Ria.
Sagot naman ni Ria sa mga nagpaabot ng concern sa kanya ng, “Uy guys. Keri lang ako emotionally hahahaha. Di lang kasi tama yung ganun. May hangganan din dapat ang pambabash. Bata pa ako at 28. Ayoko pa mamayat pls. Don’t wish that upon me. Pero salamat sa pagmamahal at pag-reassure. I appreciate it.”