Charlie super inlab kay Carlo, deadma sa bashers; Piolo viral ang paghataw sa dance floor kapartner ng unidentified guy
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA mga nakaraang relasyon ni Charlie Dizon, ibinida nito at ipinagwagwagan ang feeling sa bf na si Carlo Aquino.
Naikumpara pa nga ni Charlie sa nakaraan nitong relasyon na di ganun ang naramdaman nito di tulad ngayon kay Carlo.
Pahayag ni Charlie, damang dama raw niya ang pagmamahal ni Carlo.
At ngayon niya lang na-feel na magkaroon ng dyowa.
May mga bumabatikos sa kanilang relasyon pero dedma lang si Charlie.
Iintindihin pa ba raw niya ang mga basher gayong blessed siya sa daming blessings dumarating.
Wish ng netizens na maging sila na forever kahit in na in pa rin ang katagang walang forever.
***
HINDI nagpakabog si Piolo Pascual sa dance floor nang humataw ito kasama ang nakatalikod na lalaki.
Viral ang paghataw ng sayaw ni Piolo na na-upload sa Tiktok.
Inasahan naman ng netizen na di kakayanin ni Piolo na sumabay pero gulat ang lahat nang magpakitang gilas na ito sa paghataw ng sayaw.
Kaya umani ng iba’t ibang reaksyon ang paghataw na ‘yun ni Piolo.
Hindi iisipin na nagkakaedad na ang aktor at nakaya pa nitong ipakita ang pagsasayaw.
Wala namang keber ang netizens sa mga puna ng iba basta sa kanila ay napakahusay ni Piolo sa pagsayaw at siya nga raw ang may pinaka- gwapong mukha na Pinoy aktor sa bansa sabay sabi nito na, “I Love You Piolo”.
Well, well, well… ‘Yun na!