Advertisers

Advertisers

3 babae na high-value target huli sa P36m shabu sa Cavite

0 319

Advertisers

DINAKMA ng Quezon City Police District (QCPD) ang tatlong babaeng High-Value Individual (HVI) nang makunan ng P36 milyon halaga ng shabu sa anti-illegal drugs operation Lunes ng gabi sa Bacoor City, Cavite.
Sa ulat ni Police Brig. Gen Ronnie S. Montejo, nakilala ang mga nadakip na sina Anabel Natividad alyas Anabel Mayol, 52; Teresita Daan, 52; at Riza Aguiton, 43, pawang residente ng Barangay Molino III, Bacoor City.
Ayon sa ulat, 10:45 ng gabi nang ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng QCPD Cubao Police Station 7 sa ilalim ni Major Regino Maramag, Jr., at ng kanyang deputy na si Major Alejandro Batobalonos kasama ang RID-NCRPO, RSOU PRO-4A at Bacoor City Police Station ang buy bust laban sa tatlo sa Carson Camilla, Bry. Molino 3.
Inaresto ang tatlo matapos maiabot ang shabu na nagkakahalaga ng P245,000 sa pulis na nagpanggap na buyer.
Samantala, nagawa naman makatakas ng isang suspek na si Raffy Aguiton.
Nakuha sa tatlo ang kabuuang limang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P36,040,000.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 – Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
(Ernie dela Cruz/Irine Gascon/Boy Celario)