Advertisers

Advertisers

7ABU SAYYAF TODAS, BINIRA NG MILITAR SA KARAGATAN NG SULU

0 250

Advertisers

TODAS ang pitong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa operasyon ng Joint Task Force (JTF) Sulu sa Sulare Island, Parang Sulu, nitong Martes ng madaling araw.
Kinilala ang ilan sa mga nasawi na sina Madsmar Sawadjaan, kapatid ni Mundi Sawadjaan; Mannul Sawadjaan alyas “Abu Amara”, ang pumalit sa nasawing si senior leader na si Hajan Sawadjaan.
Ayon kay JTF Sulu Commander, Major General William Gonzales, sakay ng Augusta attack helicopter at multi-purpose attack craft ang mga sundalo nang maabutan at mapatay ang pitong miyembro ng Abu Sayyaf na sakay ng twin engine speed boat.
Habang sinusulat ang balitang ito ay nagpapatuloy ang retrieval operation sa lumubog na speed boat kungsaan sakay ang mga Abu Sayyaf na namatay. (Mark Obleada)